17 March 2012

It’s always ourselves we find in the sea*

Ika-3-4 ng Marso, sa Puerto Galera, Mindoro.

Ito ang unang paglalakbay ko ngayong taon. At namangha ako sa ganda ng napaka-asul na dagat at sa pino ng puting buhangin sa dalampasigan. Ang pintig ng alon, at buhangin sa aking paanan, ang malakas na hangin, masayang  mga kasama, ang masarap na inihaw na pusit na pinagsaluhan sa tabing-dagat, ang mabituwing langit sa pagsapit ng dilim, at ang kamerang tatangan ng mga ala-ala--lahat ng ito ay nagpa-espesyal sa dalawang araw na pananatili namin sa Galê.








 












Hanggang sa muling pagkikita, Galera. :)


*Paumanhin kay e. e. cummings.