08 August 2011

'Maaari bang makausap ka kahit na sandali?'



Sabihin sa'kin ang layunin
Ng pagtitig niya.
Tila ako ay nahihila
Ng kanyang mga mata...
Bukod sa ganda ng musika at titik, tinig pa ng isang kaibigan ang umaawit. Isa ito sa mga paborito kong kanta sa ngayon, mula sa Cyrano: Isang Sarswela, ang dulang pinanood namin noong Pebrero.