Habang naglalakad ako sa Acad Oval papunta sa Main Lib kanina, may nadaanan akong isang lolo na nakaupo sa bench. Nakatalikod siya sa’ken, at nakayuko na tila binabasa ang isa sa dalawang maliit na libro o kwadernong dala niya. Bakas sa damit niya ang pawis at nakasandal sa kinauupuan niya ang kanyang mountain bike. Hindi ko rin maintindihan, pero para sa akin, ang sandaling iyon ang isa sa mga pinakamagandang eksena na nasaksihan ko. At napasaya ako nito ng araw na iyon sa hindi ko malamang kadahilanan.
Siguro malambot lang talaga ang puso ko para sa mga nakatatanda. O kaya naman dahil nakakatuwang aktibo at malakas pa siya para magbisikleta. O marahil dahil nagagawa niya pa ring magkaroon ng tahimik na sandali para sa kanyang sarili, sa gitna ng mga puno sa Oval.
Hindi ko mapigilang isipin, ano kayang nakasulat sa kwaderno o librong binabasa niya?
No comments :
Post a Comment